Saturday, December 26, 2015

BRGY. LAHUG: MAHAHALAGANG LUGAR


ni Jedidiah T. Ramos 
Grade 7 - Neptune
Cebu City National Science High School


University of the Philippines

Jay Aundrey Tres Reyes at ako sa harap ng UP Oblation
Ang University of the Philippines ang pangunahing pampublikong unibersidad sa Pilipinas. Ito ay itinatag noong ika-18 ng Hunyo, 1908 sa pamamagitan ng Act No. 1870 ng Philippine  Assembly.  Ang UP Cebu ay nagsimula bilang isang junior college noong 1915 sa ilalim ng pamumuno ni Ignacio Villamor, ang kauna-unahang Pilipinong pangulo ng UP.  Ito ay isa sa pinakamahalagang lugar na dinadayo ng mga turista at binansagang heritage site dahil sa mahalagang bahagi ito ng kasaysayan ng Lungsod ng Cebu.

Sa loob ng La Vie Parisienne

La Vie Parisienne

Ang La Vie Parisienne ay isang French bakery at restaurant na malapit lang sa UP.  Pagpasok pa lamang ay maaamoy mo na ang mabangong mga croissant at iba pang pastries.  Tinikman naming ang plain croissant at pan au chocolat.  Maliban sa pastries, maaari ding bumili ng alak at iba pang pagkaing Pranses.  Kakaiba ang disenyo ng lugar.  Ang mga juice dispenser ay parang Eiffel Tower.  Ang mga mesa ay yari sa wine barrels.

Mormons' Temple

Mormons' Temple
Sinasabing ang Mormons’ Temple, o ang templo ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints ang pinakamalaking simbahan na hindi katoliko sa Lungsod ng Cebu, kung ang pag-uusapan ay ang lot area at gusali.  Mayroong underground vaults kung saan matatagpuan ang napakamalawak na artsibo ng henealohiya ng lahat na yata ng tao sa buong mundo.  Mahalaga para sa mga Mormon ang henealohiya.  Ang templo ang pinakabagong landmark o mohon sa Lahug.


JY Square
JY Square

Ang JY Square ang sentro ng Lahug. Ito ay isang mall na mayroong supermarket, mga tindahan, mga restaurant, call center (EPerformax), at iba pa. Sa labas ng mall, maraming drayber ng habal-habal (motorsiklo) ang makikitang naghihintay ng mga pasahero papunta sa mga lugar na hindi maabot ng mga jeepney at taxi.

Marco Polo Plaza Hotel

Jay Aundrey Tres Reyes at ako sa Marco Polo
Ang Marco Polo Hotel ay isang five-star hotel na matatagpuan sa Nivel Hills. Ang lokasyon nito ay pinag-aagawan ng tatlong barangay: Apas, Lahug, at Busay. Ito ang dating Cebu Plaza Hotel, ang pangunahing hotel at pinakamataas na gusali sa Lungsod ng Cebu noong dekada otsenta at nubenta.  Ito ay isinara noong huling bahagi ng dekada nubenta dahil sa problema sa mga manggagawa.  Binuksan itong muli sa ilalim ng bagong pangalan at bagong pamamahala.  Ngayon, ito ay isa lamang sa maraming Marco Polo hotels sa bansa at sa ibang bansa.  Mayroon itong malawak na lobby, isang engrandeng hagdanan, isang elevator kung saan matatanaw ng sasakay ang magandang tanawin sa buong lungsod lalo na sa gabi, first class na mga silid para sa mga bisita, fine dining restaurant, lobby cafĂ©, at swimming pool. Sa bandang kanan ng hotel ay mayroong tatlong condominium, ang Marco Polo Residences.  Ang pangatlo ay ginagawa pa, at may pang-apat pang gagawin kapag ang pangatlo’y natapos na.  Ang pinakamurang yunit ay nagkakahalaga ng mahigit tatlong milyong piso (studio type).

IT Park
Ako at si Jay Aundrey sa harap ng Krispy Kreme sa IT Park

Ang IT Park ang sentro ng kalakalan sa Lahug. Dito matatagpuan ang maraming negosyo katulad ng mga kumpanyang BPO (Business Processing Outsourcing), telekomunikasyon katulad ng Globe, mga condominium, mga banko, mga restaurant, at marami pang iba. Kasalukuyang ginagawa ang gusali ng Rustan’s Mall.

Ang iba pang mahahalagang lugar na matatagpuan sa Lahug ay mga paaralan, marami pang mga restaurant at mga hotel sa labas ng IT Park. Tunay na napakamaunlad ng barangay Lahug.  Maraming maaaring gawin ang mga lokal at dayuhang turista dito.


BRGY. LAHUG: UNANG TANAW

ni Jedidiah T. Ramos
Grade 7 - Neptune
Cebu City National Science High School
Lahug Barangay Hall

Ang Lahug ay sinasabing pangalawang pinakamalaki at pinakamaunlad na barangay sa Lungsod ng Cebu.  Ito ay isa sa 46 na mga barangay sa Hilagang distrito ng Lungsod ng Cebu.

Dalawang araw bago mag-Pasko, ako at ang aking mga kaklase ay naglibot sa Barangay Lahug para sa aming proyekto sa Filipino.  Ang una naming pinuntahan ay ang Barangay Hall, kung saan nakapanayam namin ang kalihim ng barangay na si Ginoong Peter G. Cawayan. Nakalap namin ang sumusunod na impormasyon:

Mga Hanggahan:

Hilaga:           Brgy. Kasambagan at Brgy. Apas
Timog:           Brgy. Kamputhaw
Silangan:       Brgy. Luz
Kanluran:      Brgy. Kalunasan
Si Kyril Kim Demeterio habang ini-interbyu si G. Peter G. Cawayan

Populasyon:

● 36,648 ayon sa 2010 census ng Philippine Statistics Authority (dating National   Statistics Office);
● Mahigit 50,000 ayon sa pagbilang na isinagawa ng barangay (kabilang ang mga taong   hindi naka-rehistro sa COMELEC).

Mga Produkto:

Dahil ang Lahug ay isang komersyal na barangay, wala itong mga produktong pagkain kagaya ng dried mangoes ng Guadalupe.  Ngunit mayroong Pasalubong Center sa Salinas Drive kung saan mayroong naglalako ng puto at tsokolate na may kasamang manga.  Mayroon ding budbod at bibingka.

Mga Industriya at Negosyo:
                                                                                    
I.T. Park
IT Park
Pinagtatalunan pa ngayon ng Brgy. Lahug at ng Brgy. Apas kung kaninong teritoryo ang lugar na ito.  Ngunit batay sa    lumang mapa ng Cebu, ang IT Park ay nasa lokasyon ng dating Lahug airport.


Mga Hotel 
Ang Marco Polo Hotel and Residences,  
Waterfront Hotel & Casino
ang pinakatanyag na hotel sa lugar na ito, ay nasa Nivel Hills, ngunit pinagtatalunan ng tatlong barangay kung kaninong teritoryo ito:  Busay, Lahug at Apas.  Kung ang mapa ang pagbabatayan, ito ay bahagi ng Lahug.  Maliban dito, matatagpuan din sa Lahug ang Waterfront Hotel and Casino (Salinas Drive), Metro Park Hotel (La Guardia, St. Lawrence St.), Crowne Garden Hotel (Salinas Drive),     Cebu Northwinds Hotel (Salinas Drive) at iba pa.

Golden Cowrie Native Restaurant
Mga Restaurant 
Maraming restaurant sa Barangay Lahug, kabilang na dito ang Golden Cowrie Native Restaurant, La Vie Parisienne, Bon AppeTEA, Abuhan Tres,  Red Moon, Mooon Cafe, Blue Elephant Bistro, Casa Verde, La Tegola Italian Restaurant, Figaro, Bellini, La  Marea, Ilaputi, Chowabungga, Orange Karendirya, Anzani, Fujinoya, Ding Qua  Qua Dimsum House, Dessert Factory, CafĂ© Marco sa Marco Polo, Port Restaurant sa Waterfront Hotel, at marami pang iba.

32 Sanson by Rockwell
Sky rise condominiums
32 Sanson  by Rockwell
Garden Resort Condo
Mivesa Garden Residences
Marco Polo Residences
La Nivea
Avida Riala Towers
at marami pang iba.

Tourist Spots:

University of the Philippines Cebu Campus

Mormons' Temple
Taoist Temple


Mga Eskwelahan:
Lahug Elementary School

● UP
● USPF
● STI
● Lahug Elementary School & High School
● Cambridge Child Development Centre
● PAREF

           




Pangunahing Subdibisyon:

● Beverly Hills