Saturday, December 26, 2015

BRGY. LAHUG: UNANG TANAW

ni Jedidiah T. Ramos
Grade 7 - Neptune
Cebu City National Science High School
Lahug Barangay Hall

Ang Lahug ay sinasabing pangalawang pinakamalaki at pinakamaunlad na barangay sa Lungsod ng Cebu.  Ito ay isa sa 46 na mga barangay sa Hilagang distrito ng Lungsod ng Cebu.

Dalawang araw bago mag-Pasko, ako at ang aking mga kaklase ay naglibot sa Barangay Lahug para sa aming proyekto sa Filipino.  Ang una naming pinuntahan ay ang Barangay Hall, kung saan nakapanayam namin ang kalihim ng barangay na si Ginoong Peter G. Cawayan. Nakalap namin ang sumusunod na impormasyon:

Mga Hanggahan:

Hilaga:           Brgy. Kasambagan at Brgy. Apas
Timog:           Brgy. Kamputhaw
Silangan:       Brgy. Luz
Kanluran:      Brgy. Kalunasan
Si Kyril Kim Demeterio habang ini-interbyu si G. Peter G. Cawayan

Populasyon:

● 36,648 ayon sa 2010 census ng Philippine Statistics Authority (dating National   Statistics Office);
● Mahigit 50,000 ayon sa pagbilang na isinagawa ng barangay (kabilang ang mga taong   hindi naka-rehistro sa COMELEC).

Mga Produkto:

Dahil ang Lahug ay isang komersyal na barangay, wala itong mga produktong pagkain kagaya ng dried mangoes ng Guadalupe.  Ngunit mayroong Pasalubong Center sa Salinas Drive kung saan mayroong naglalako ng puto at tsokolate na may kasamang manga.  Mayroon ding budbod at bibingka.

Mga Industriya at Negosyo:
                                                                                    
I.T. Park
IT Park
Pinagtatalunan pa ngayon ng Brgy. Lahug at ng Brgy. Apas kung kaninong teritoryo ang lugar na ito.  Ngunit batay sa    lumang mapa ng Cebu, ang IT Park ay nasa lokasyon ng dating Lahug airport.


Mga Hotel 
Ang Marco Polo Hotel and Residences,  
Waterfront Hotel & Casino
ang pinakatanyag na hotel sa lugar na ito, ay nasa Nivel Hills, ngunit pinagtatalunan ng tatlong barangay kung kaninong teritoryo ito:  Busay, Lahug at Apas.  Kung ang mapa ang pagbabatayan, ito ay bahagi ng Lahug.  Maliban dito, matatagpuan din sa Lahug ang Waterfront Hotel and Casino (Salinas Drive), Metro Park Hotel (La Guardia, St. Lawrence St.), Crowne Garden Hotel (Salinas Drive),     Cebu Northwinds Hotel (Salinas Drive) at iba pa.

Golden Cowrie Native Restaurant
Mga Restaurant 
Maraming restaurant sa Barangay Lahug, kabilang na dito ang Golden Cowrie Native Restaurant, La Vie Parisienne, Bon AppeTEA, Abuhan Tres,  Red Moon, Mooon Cafe, Blue Elephant Bistro, Casa Verde, La Tegola Italian Restaurant, Figaro, Bellini, La  Marea, Ilaputi, Chowabungga, Orange Karendirya, Anzani, Fujinoya, Ding Qua  Qua Dimsum House, Dessert Factory, CafĂ© Marco sa Marco Polo, Port Restaurant sa Waterfront Hotel, at marami pang iba.

32 Sanson by Rockwell
Sky rise condominiums
32 Sanson  by Rockwell
Garden Resort Condo
Mivesa Garden Residences
Marco Polo Residences
La Nivea
Avida Riala Towers
at marami pang iba.

Tourist Spots:

University of the Philippines Cebu Campus

Mormons' Temple
Taoist Temple


Mga Eskwelahan:
Lahug Elementary School

● UP
● USPF
● STI
● Lahug Elementary School & High School
● Cambridge Child Development Centre
● PAREF

           




Pangunahing Subdibisyon:

● Beverly Hills


No comments:

Post a Comment